-
Bilang 21:33, 34Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
33 Pagkatapos, lumiko sila at dumaan sa Daan ng Basan. At si Og,+ na hari ng Basan, kasama ang buong hukbo niya ay nakipagdigma sa kanila sa Edrei.+ 34 Sinabi ni Jehova kay Moises: “Huwag kang matakot sa kaniya,+ dahil siya at ang buong bayan at lupain niya ay ibibigay ko sa iyo,+ at gagawin mo sa kaniya ang gaya ng ginawa mo kay Sihon na hari ng mga Amorita, na nakatira noon sa Hesbon.”+
-
-
Deuteronomio 3:3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
3 Kaya ibinigay rin sa atin ng Diyos nating si Jehova si Haring Og ng Basan at ang buong bayan niya, at pinabagsak natin sila hanggang sa wala nang matirang buháy sa kanila.
-
-
Josue 9:9, 10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
9 Sumagot sila: “Galing pa sa napakalayong lupain+ ang mga lingkod mo, at nagpunta kami rito bilang pagkilala sa pangalan ni Jehova na iyong Diyos, dahil nabalitaan namin ang katanyagan niya at ang lahat ng ginawa niya sa Ehipto,+ 10 at ang lahat ng ginawa niya sa dalawang hari ng mga Amorita na nasa kabilang ibayo* ng Jordan, si Haring Sihon+ ng Hesbon at si Haring Og+ ng Basan, na nasa Astarot.
-