31 “‘Huwag kayong hihingi ng tulong sa mga espiritista,+ at huwag kayong kokonsulta sa mga manghuhula+ para hindi kayo maging marumi dahil sa kanila. Ako ang Diyos ninyong si Jehova.
6 “‘Kung maging di-tapat* sa akin ang isang tao dahil humingi siya ng tulong sa mga espiritista+ at sa mga manghuhula,+ itatakwil ko ang* taong iyon at papatayin.+
23 dahil ang pagrerebelde+ ay katulad ng kasalanan na panghuhula,+ at ang kapangahasan ay katulad ng paggamit ng kapangyarihan ng mahika at idolatriya.* Dahil itinakwil mo ang salita ni Jehova,+ itinatakwil ka niya mula sa pagiging hari.”+
3 Patay na ngayon si Samuel. Nagdalamhati sa kaniya ang buong Israel at inilibing nila siya sa Rama, sa sarili niyang lunsod.+ At inalis na ni Saul mula sa lupain ang mga espiritista at mga manghuhula.+