-
1 Cronica 17:7-10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
7 “Sabihin mo ngayon sa lingkod kong si David, ‘Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo: “Kinuha kita mula sa mga pastulan, mula sa pag-aalaga ng kawan, para maging pinuno ng bayan kong Israel.+ 8 At ako ay sasaiyo saan ka man magpunta,+ at lilipulin ko sa harap mo ang lahat ng iyong kaaway;+ at gagawin kong kilala ang pangalan mo, gaya ng pangalan ng mga dakilang tao sa daigdig.+ 9 Bibigyan ko ng lupain ang bayan kong Israel at doon ko sila patitirahin, at mamumuhay sila roon at wala nang gagambala sa kanila; at hindi na sila pahihirapan* ng masasamang tao gaya ng ginawa sa kanila noon,+ 10 mula nang araw na mag-atas ako ng mga hukom sa bayan kong Israel.+ At tatalunin ko ang lahat ng kaaway mo.+ Sinasabi ko rin sa iyo, ‘Magtatatag si Jehova ng isang sambahayan* para sa iyo.’
-
-
1 Cronica 28:4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
4 Pero pinili ako ni Jehova na Diyos ng Israel mula sa buong sambahayan ng aking ama para maging hari sa Israel magpakailanman,+ dahil pinili niya ang Juda bilang lider+ at mula sa sambahayan ng Juda, ang sambahayan ng aking ama,+ at mula sa mga anak ng aking ama, ako ang kinalugdan niyang gawing hari sa buong Israel.+
-