-
1 Hari 9:20-22Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
20 Kung tungkol sa lahat ng natira sa mga Amorita, Hiteo, Perizita, Hivita, at mga Jebusita,+ na hindi kabilang sa bayang Israel,+ 21 ang mga inapo nila na naiwan sa lupain—ang mga hindi napuksa ng mga Israelita—ay ipinatawag ni Solomon para sa puwersahang pagtatrabaho bilang mga alipin, at ganito ang kalagayan nila hanggang ngayon.+ 22 Pero walang sinuman sa mga Israelita ang ginawang alipin ni Solomon,+ dahil sila ay kaniyang mga mandirigma, mga lingkod, matataas na opisyal, mga ayudante,* at mga pinuno ng mga tagapagpatakbo niya ng karwahe at ng mga mangangabayo.
-
-
2 Cronica 2:17, 18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
17 Pagkatapos, binilang ni Solomon ang lahat ng lalaking dayuhan na naninirahan sa lupain ng Israel,+ gaya ng sensus na ginawa noon ng ama niyang si David;+ 153,600 ang bilang ng mga ito. 18 Kaya inatasan niya ang 70,000 para maging karaniwang manggagawa,* 80,000 para maging tagatabas ng bato+ sa mga bundok, at 3,600 para mangasiwa sa pagtatrabaho ng mga tao.+
-
-
2 Cronica 8:7-9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
7 Kung tungkol sa lahat ng natira sa mga Hiteo, Amorita, Perizita, Hivita, at mga Jebusita,+ na hindi kabilang sa Israel,+ 8 ang mga inapo nila na naiwan sa lupain—ang mga hindi napuksa ng mga Israelita+—ay ipinatawag ni Solomon para sa puwersahang pagtatrabaho, at ganito ang kalagayan nila hanggang ngayon.+ 9 Pero walang sinuman sa mga Israelita ang ginawang alipin ni Solomon para sa gawain niya,+ dahil sila ay kaniyang mga mandirigma, mga pinuno ng kaniyang mga ayudante,* at mga pinuno ng mga tagapagpatakbo niya ng karwahe at ng mga mangangabayo.+
-