-
1 Cronica 28:11, 12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 Pagkatapos, ibinigay ni David sa anak niyang si Solomon ang plano+ ng beranda+ at ng mga silid, ng mga imbakan, ng mga silid sa bubungan, ng mga silid sa loob, at ng bahay ng katubusan.*+ 12 Ibinigay niya rito ang plano ng lahat ng bagay na isiniwalat sa kaniya sa pamamagitan ng espiritu ng Diyos para sa mga looban*+ ng bahay ni Jehova, para sa lahat ng silid-kainan sa palibot nito, para sa mga kabang-yaman ng bahay ng tunay na Diyos, at para sa mga kabang-yaman ng mga bagay na pinabanal.*+
-
-
2 Cronica 3:1, 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
3 Pagkatapos, sinimulan ni Solomon ang pagtatayo ng bahay ni Jehova+ sa Jerusalem sa Bundok Moria,+ kung saan nagpakita si Jehova sa ama niyang si David,+ sa lugar na inihanda ni David sa giikan ni Ornan+ na Jebusita. 2 Nagsimula siyang magtayo noong ikalawang araw ng ikalawang buwan, sa ikaapat na taon ng paghahari niya.
-