-
2 Cronica 4:11-17Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 Gumawa rin si Hiram ng mga lalagyan ng abo, mga pala, at mga mangkok.+
Kaya natapos ni Hiram ang ipinagawa sa kaniya ni Haring Solomon sa bahay ng tunay na Diyos:+ 12 ang dalawang haligi+ at ang mga hugis-mangkok na kapital sa ibabaw ng dalawang haligi; ang dalawang lambat+ na pantakip sa dalawang hugis-mangkok na kapital sa ibabaw ng mga haligi; 13 ang 400 granada*+ para sa dalawang lambat, dalawang hanay ng mga granada sa bawat lambat, para takpan ang dalawang hugis-mangkok na kapital na nasa mga haligi;+ 14 ang 10 patungang de-gulong* at 10 tipunan ng tubig sa mga patungang de-gulong;+ 15 ang malaking tipunan ng tubig at ang 12 toro sa ilalim nito;+ 16 at ang mga lalagyan ng abo, pala, tinidor,+ at ang lahat ng iba pang kagamitan na ginawa ni Hiram-abiv+ mula sa pinakintab na tanso para kay Haring Solomon para sa bahay ni Jehova. 17 Ang mga ito ay inihulma ng hari sa mga moldeng luwad sa distrito ng Jordan sa pagitan ng Sucot+ at Zereda.
-