-
Deuteronomio 3:13-16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
13 At ang natira sa Gilead at ang lahat ng sakop ng kaharian ni Og sa Basan ay ibinigay ko sa kalahati ng tribo ni Manases.+ Ang buong rehiyon ng Argob, na nasa Basan, ay tinatawag noon na lupain ng mga Repaim.
14 “Kinuha ni Jair+ na anak ni Manases ang buong rehiyon ng Argob+ hanggang sa hangganan ng mga Gesurita at ng mga Maacateo+ at ang mga nayong iyon ng Basan ay isinunod sa pangalan niya, Havot-jair,*+ hanggang sa araw na ito. 15 At ibinigay ko ang Gilead kay Makir.+ 16 At sa mga Rubenita at sa mga Gadita,+ ibinigay ko ang mula sa Gilead hanggang sa Lambak* ng Arnon (ang gitna ng lambak ang hangganan), at hanggang sa Jabok, ang lambak na hangganan ng mga Ammonita,
-
-
Deuteronomio 28:63Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
63 “At kung gustong-gusto noon ni Jehova na gawan kayo ng mabuti at paramihin kayo, gugustuhin naman ngayon ni Jehova na puksain kayo at lipulin; at itataboy kayo mula sa lupaing kukunin ninyo bilang pag-aari.
-
-
Josue 13:8-12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
8 Kasama ng kalahati pang tribo,* kinuha ng mga Rubenita at ng mga Gadita ang mana nila na ibinigay sa kanila ni Moises sa silangan ng Jordan, gaya ng itinakda sa kanila ni Moises na lingkod ni Jehova:+ 9 mula sa Aroer,+ na nasa gilid ng Lambak* ng Arnon,+ at ang lunsod na nasa gitna ng lambak, at ang buong talampas ng Medeba hanggang sa Dibon; 10 at ang lahat ng lunsod ni Haring Sihon ng mga Amorita, na namahala sa Hesbon, hanggang sa hangganan ng mga Ammonita;+ 11 pati ang Gilead at ang teritoryo ng mga Gesurita at ng mga Maacateo+ at ang buong Bundok Hermon at ang buong Basan+ hanggang sa Saleca;+ 12 ang buong kaharian ni Og sa Basan, na namahala sa Astarot at sa Edrei. (Isa siya sa mga huling Repaim.)+ Tinalo sila ni Moises at itinaboy.*+
-