-
1 Hari 16:30-33Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
30 Si Ahab na anak ni Omri ay mas masama sa paningin ni Jehova kaysa sa lahat ng nauna sa kaniya.+ 31 Hindi pa siya nasiyahan sa pagtulad sa mga kasalanan ni Jeroboam+ na anak ni Nebat. Kinuha pa niya bilang asawa si Jezebel+ na anak ni Etbaal na hari ng mga Sidonio,+ at nagsimula siyang maglingkod kay Baal+ at yumukod dito. 32 Bukod diyan, nagtayo siya ng altar para kay Baal sa bahay* ni Baal+ na itinayo niya sa Samaria. 33 Gumawa rin si Ahab ng sagradong poste.*+ Mas maraming ginawang masama si Ahab para galitin si Jehova na Diyos ng Israel kumpara sa lahat ng hari sa Israel na nauna sa kaniya.
-