-
Ezra 1:1-3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
1 Nang unang taon ni Haring Ciro+ ng Persia, para matupad ang salita ni Jehova na inihayag ni Jeremias,+ inudyukan ni Jehova si* Haring Ciro ng Persia na isulat at ipahayag sa buong kaharian niya ang proklamasyong ito:+
2 “Ito ang sinabi ni Haring Ciro ng Persia, ‘Ibinigay sa akin ni Jehova na Diyos ng langit ang lahat ng kaharian sa lupa,+ at inatasan niya akong ipagtayo siya ng isang bahay sa Jerusalem,+ na nasa Juda. 3 Sinuman sa inyo na kabilang sa bayan niya, gabayan sana siya ng kaniyang Diyos. Magpunta siya sa Jerusalem, na nasa Juda, at muling itayo ang bahay ni Jehova na Diyos ng Israel—siya ang tunay na Diyos—na ang bahay ay nasa Jerusalem.*
-