-
1 Hari 1:16-21Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
16 Pagkatapos, yumukod si Bat-sheba at sumubsob sa harapan ng hari, at sinabi ng hari: “Ano ang gusto mong hilingin?” 17 Sumagot siya: “Panginoon ko, ikaw ang nangako sa iyong lingkod sa ngalan ni Jehova na iyong Diyos, ‘Ang anak mong si Solomon ang maghahari kasunod ko, at siya ang uupo sa trono ko.’+ 18 Pero ngayon, naging hari si Adonias, at walang kaalam-alam dito ang panginoon kong hari.+ 19 Naghandog siya ng napakaraming toro, pinatabang hayop, at tupa, at inimbitahan niya ang lahat ng anak ng hari at ang saserdoteng si Abiatar at si Joab na pinuno ng hukbo;+ pero hindi niya inimbitahan ang lingkod mong si Solomon.+ 20 At ngayon, panginoon kong hari, naghihintay ang buong Israel na sabihin mo kung sino ang susunod na uupo sa trono ng panginoon kong hari. 21 Kung hindi mo gagawin iyon, pagkamatay ng* panginoon kong hari, ako at ang anak kong si Solomon ay ituturing na mga traidor.”
-