4 Pero nalaman ng hari ng Asirya na sangkot si Hosea sa isang sabuwatan, dahil nagsugo si Hosea ng mga mensahero kay Haring So ng Ehipto+ at hindi niya dinala ang tributo sa hari ng Asirya na gaya ng naunang mga taon. Kaya ikinulong siya at iginapos ng hari ng Asirya.
7 “Ito ang sinabi ni Jehova na Diyos ng Israel, ‘Ito ang sabihin ninyo sa hari ng Juda, na nagsugo sa inyo para sumangguni sa akin: “Ang hukbo ng Paraon na parating para tulungan kayo ay babalik sa lupain nito, sa Ehipto.+