-
2 Hari 18:26, 27Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
26 Sinabi ni Eliakim na anak ni Hilkias at ni Sebnah+ at ni Joa sa Rabsases:+ “Pakisuyo, makipag-usap ka sa iyong mga lingkod sa wikang Aramaiko,*+ dahil naiintindihan namin ito; huwag kang makipag-usap sa amin sa wika ng mga Judio na naririnig ng mga taong nasa pader.”+ 27 Pero sinabi ng Rabsases sa kanila: “Sa iyo lang ba at sa panginoon mo ipinapasabi ng panginoon ko ang mensaheng ito? Hindi ba para din ito sa mga lalaking nakaupo sa pader, na kakain ng sarili nilang dumi at iinom ng sarili nilang ihi kasama ninyo?”
-