-
2 Cronica 34:20, 21Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
20 Pagkatapos, inutusan ng hari si Hilkias, si Ahikam+ na anak ni Sapan, si Abdon na anak ni Mikas, ang kalihim na si Sapan, at ang lingkod ng hari na si Asaias: 21 “Sumangguni kayo kay Jehova alang-alang sa akin at alang-alang sa mga natira sa Israel at sa Juda tungkol sa mga sinasabi sa aklat na ito na natagpuan; matindi ang galit na ibubuhos sa atin ni Jehova dahil hindi sinunod ng mga ninuno natin ang salita ni Jehova; hindi nila ginawa ang lahat ng nakasulat sa aklat na ito.”+
-
-
Jeremias 39:13, 14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
13 Kaya nagsugo si Nebuzaradan na pinuno ng mga bantay, si Nebusazban na Rabsaris,* si Nergal-sarezer na Rabmag,* at ang lahat ng pangunahing lingkod ng hari ng Babilonya 14 at ipinakuha si Jeremias sa Looban ng Bantay+ at ibinigay kay Gedalias+ na anak ni Ahikam+ na anak ni Sapan+ para dalhin sa bahay nito. Kaya tumira siya kasama ng bayan.
-