-
Jeremias 44:12-14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
12 At kukunin ko ang mga natira sa Juda na nagpasiyang pumunta sa lupain ng Ehipto para manirahan doon, at silang lahat ay malilipol sa lupain ng Ehipto.+ Babagsak sila dahil sa espada at malilipol dahil sa taggutom; mula sa pinakamababa hanggang sa pinakadakila, mamamatay sila sa espada at sa taggutom. Sila ay magiging bagay na nakapangingilabot, susumpain, at hahamakin.+ 13 Paparusahan ko ang mga nakatira sa lupain ng Ehipto, gaya ng pagpaparusa ko sa Jerusalem sa pamamagitan ng espada, taggutom, at salot.*+ 14 At ang mga natira sa Juda na pumunta sa lupain ng Ehipto para manirahan doon ay hindi makatatakas o makaliligtas at hindi makababalik sa lupain ng Juda. Aasamin nilang bumalik at manirahan doon, pero hindi sila makababalik, maliban sa ilang takas.’”
-
-
Jeremias 44:27, 28Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
27 Babantayan ko sila para dalhan ng kapahamakan at hindi ng kabutihan;+ ang lahat ng taga-Juda na nasa lupain ng Ehipto ay mamamatay sa espada at sa taggutom, hanggang sa maglaho sila.+ 28 Kaunti lang ang makaliligtas sa espada at makababalik sa lupain ng Juda mula sa lupain ng Ehipto.+ At malalaman ng lahat ng natira sa Juda na pumunta sa lupain ng Ehipto para manirahan doon kung kaninong salita ang nagkatotoo, ang sa akin o ang sa kanila!”’”
-