33 At pangangalatin ko kayo sa mga bansa,+ at bubunot ako ng espada at hahabulin kayo nito;+ at magiging tiwangwang ang inyong lupain,+ at mawawasak ang inyong mga lunsod.
64 “Pangangalatin kayo ni Jehova sa lahat ng bayan mula sa isang dulo ng lupa hanggang sa kabilang dulo nito,+ at doon ay maglilingkod kayo sa mga diyos na gawa sa kahoy at bato, mga diyos na hindi ninyo kilala, pati ng mga ninuno ninyo.+
14 ‘At sa pamamagitan ng bagyo ay pinangalat ko sila sa lahat ng bansa na hindi nila kilala,+ at ang lupain ay naiwang tiwangwang, at wala ritong dumadaan o bumabalik;+ dahil ang kanais-nais na lupain ay ginawa nilang nakapangingilabot.’”