-
Jeremias 39:5-7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
5 Pero hinabol sila ng hukbo ng mga Caldeo, at naabutan ng mga ito si Zedekias sa mga tigang na kapatagan ng Jerico.+ Nahuli siya ng mga ito at dinala kay Haring Nabucodonosor* ng Babilonya sa Ribla,+ sa lupain ng Hamat,+ kung saan siya hinatulan nito. 6 Ipinapatay ng hari ng Babilonya sa Ribla ang mga anak ni Zedekias sa harap niya, at ipinapatay ng hari ng Babilonya ang lahat ng prominenteng tao ng Juda.+ 7 Pagkatapos ay binulag niya ang mga mata ni Zedekias, at iginapos niya ito ng kadenang tanso para dalhin sa Babilonya.+
-
-
Jeremias 52:9-11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
9 Hinuli nila ang hari at dinala siya sa hari ng Babilonya sa Ribla, sa lupain ng Hamat, at hinatulan siya nito. 10 At pinatay ng hari ng Babilonya ang mga anak ni Zedekias sa harap niya, at pinatay rin nito sa Ribla ang lahat ng matataas na opisyal ng Juda. 11 Pagkatapos, binulag ng hari ng Babilonya si Zedekias,+ iginapos siya ng kadenang tanso, dinala sa Babilonya, at ikinulong hanggang sa araw na mamatay siya.
-