3 ibabalik ng Diyos ninyong si Jehova ang mga nabihag sa inyo+ at magpapakita siya ng awa+ at muli kayong titipunin mula sa lahat ng bayan kung saan kayo pinangalat ng Diyos ninyong si Jehova.+
3 “Pagkatapos ay titipunin ko ang natira sa mga tupa ko mula sa lahat ng lupain kung saan ko sila pinangalat,+ at ibabalik ko sila sa kanilang pastulan,+ at magiging palaanakin sila at darami sila.+
13 Ilalabas ko sila mula sa mga bayan at titipunin mula sa mga lupain, at dadalhin ko sila sa lupain nila at pakakainin sa mga bundok ng Israel,+ sa tabi ng mga batis at ng lahat ng lugar sa lupaing may nakatira.
11 At ang mga taga-Juda at taga-Israel ay titipunin at pagkakaisahin,+ at pipili sila ng isang pinuno* at aalis sila sa lupain, dahil magiging dakila ang araw ng Jezreel.+