-
Levitico 6:4, 5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
4 Kung nagkasala siya, dapat niyang ibalik ang ninakaw niya, ang kinikil niya, ang kinuha niya nang may pandaraya, ang ipinagkatiwala sa kaniya, o ang nakita niyang nawawalang bagay, 5 o ang anumang bagay na may kinalaman doon ay nanumpa siya nang may kasinungalingan; dapat niyang ibalik ang buong halaga nito+ at magdaragdag pa siya ng sangkalima* ng halaga nito. Ibibigay niya iyon sa may-ari sa araw na mapatunayang nagkasala siya.
-