-
Daniel 4:13-16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
13 “‘Sa mga pangitaing nakita ko habang nakahiga ako, may isang bantay, isang banal na mensahero, na bumababa mula sa langit.+ 14 Sinabi niya nang malakas: “Putulin ang puno,+ baliin ang mga sanga nito, alisin ang mga dahon, at ikalat ang mga bunga! Paalisin ang mga hayop sa ilalim nito at ang mga ibon sa mga sanga. 15 Pero huwag ninyong bunutin ang mga ugat nito. Iwan ninyo ang tuod, na may bigkis na bakal at tanso, kasama ng mga damo sa parang. Hayaan itong mabasâ ng hamog ng langit at makasama ng mga hayop sa gitna ng pananim sa lupa.+ 16 Ang taglay nitong puso ng tao ay hayaang mapalitan ng puso ng hayop, at pitong panahon+ ang palilipasin.+
-