8 Ang Ehipto ay dumarating na parang Ilog Nilo,+
Gaya ng mga ilog na dumadaluyong,
At sinasabi nito, ‘Babangon ako at aapawan ang lupa.
Wawasakin ko ang lunsod at lilipulin ang mga nakatira doon.’
9 Sugod, mga kabayo!
Humagibis kayo, mga karwahe!
Lumusob kayong mga mandirigma,
Ang Cus at ang Put, na humahawak ng kalasag,+
At ang Ludim,+ na humahawak at nagbabaluktot ng búsog.+