-
Deuteronomio 28:49-51Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
49 “Magsusugo si Jehova sa inyo ng isang kaaway, isang malayong bansa+ mula sa dulo ng lupa; mandaragit itong gaya ng isang agila,+ isang bansa na ang wika ay hindi ninyo naiintindihan,+ 50 isang bansang mabagsik na walang galang sa matatanda at walang awa sa mga bata.+ 51 Kakainin nila ang anak ng mga alagang hayop ninyo at ang bunga ng inyong lupain hanggang sa mapuksa kayo. Uubusin nila ang inyong mga butil, bagong alak o langis, at guya o kordero, hanggang sa malipol nila kayo.+
-
-
Jeremias 5:15-17Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
15 “Dadalhin ko sa inyo ang isang bansa mula sa malayo, O sambahayan ng Israel,”+ ang sabi ni Jehova.
“Iyon ay isang matatag na bansa.
Iyon ay isang sinaunang bansa,
Isang bansa na ang wika ay hindi mo alam
At ang pagsasalita ay hindi mo naiintindihan.+
16 Ang lalagyan nila ng mga palaso ay gaya ng bukás na libingan;
Lahat sila ay mandirigma.
17 Lalamunin nila ang iyong ani at tinapay.+
Lalamunin nila ang mga anak mong lalaki at babae.
Lalamunin nila ang iyong mga kawan at bakahan.
Lalamunin nila ang iyong mga puno ng ubas at igos.
Wawasakin nila sa pamamagitan ng espada ang mga napapaderang* lunsod na pinagtitiwalaan mo.”
-
-
Jeremias 6:22, 23Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
22 Ito ang sinabi ni Jehova:
“Isang bayan mula sa lupain sa hilaga ang darating,
At isang malaking bansa mula sa pinakamalalayong bahagi ng lupa ang magigising.+
23 Hahawak sila ng pana at diyabelin.*
Malupit sila at walang awa.
Aalingawngaw ang tinig nila na parang dagat,
At sasakay sila sa mga kabayo.+
Maghahanda sila sa pakikipaglaban sa iyo gaya ng isang lalaking mandirigma, O anak na babae ng Sion.”
-
-
Ezekiel 23:22, 23Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
22 “Kaya, Oholiba, ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: ‘Gagalitin ko ang iyong mga kalaguyo+ na nilayuan mo dahil sa pagkasuklam, at sasalakayin ka nila mula sa lahat ng direksiyon,+ 23 ang mga anak ng Babilonya+ at lahat ng Caldeo,+ ang mga lalaki ng Pekod+ at Soa at Koa, pati ang lahat ng anak ng Asirya. Lahat sila ay kaakit-akit na mga kabataang lalaki, mga gobernador at mga kinatawang opisyal, mga mandirigma na piling-pili,* at nakasakay silang lahat sa kabayo.
-