16 Pagkatapos, pumunta siya sa Nazaret,+ kung saan siya pinalaki, at gaya ng nakagawian niya tuwing araw ng Sabbath, pumasok siya sa sinagoga+ at tumayo para magbasa.
13 Naglayag ngayon si Pablo at ang mga kasama niya mula sa Pafos at nakarating sa Perga sa Pamfilia. Pero iniwan sila ni Juan+ at bumalik ito sa Jerusalem.+14 Gayunman, nagpatuloy sila mula sa Perga at nakarating sa Antioquia sa Pisidia. At nang araw ng Sabbath, pumasok sila sa sinagoga+ at umupo.