-
Lucas 6:41, 42Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
41 Kaya bakit mo tinitingnan ang puwing sa mata ng kapatid mo, pero hindi mo nakikita ang troso* sa sarili mong mata?+ 42 Paano mo masasabi sa kapatid mo, ‘Kapatid, hayaan mong alisin ko ang puwing sa mata mo,’ samantalang hindi mo nakikita ang troso sa sarili mong mata? Mapagpanggap!* Alisin mo muna ang troso sa sarili mong mata para makita mo nang malinaw kung paano aalisin ang puwing sa mata ng kapatid mo.
-