-
Marcos 2:18-20Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
18 Ang mga alagad ni Juan at ang mga Pariseo ay nag-aayuno.* Kaya may mga lumapit kay Jesus at nagsabi: “Ang mga alagad ni Juan at ang mga alagad ng mga Pariseo ay nag-aayuno, pero bakit ang mga alagad mo, hindi?”+ 19 Sinabi ni Jesus sa kanila: “Ang mga kaibigan ng lalaking ikakasal+ ay walang dahilan para mag-ayuno hangga’t kasama nila siya, hindi ba? Hangga’t kasama nila ang lalaking ikakasal, hindi sila makapag-aayuno. 20 Pero darating ang panahon na kukunin na siya sa kanila.+ At mag-aayuno na sila sa araw na iyon.
-
-
Lucas 5:33-35Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
33 Sinabi nila sa kaniya: “Ang mga alagad ni Juan ay madalas mag-ayuno at manalangin nang marubdob,* pati na ang mga alagad ng mga Pariseo, pero ang mga alagad mo ay kumakain at umiinom.”+ 34 Sinabi ni Jesus: “Hindi ninyo mapag-aayuno ang mga kaibigan ng lalaking ikakasal hangga’t kasama nila ang lalaking ikakasal, hindi ba? 35 Pero darating ang panahon na kukunin nga sa kanila ang lalaking ikakasal,+ at sa panahong iyon sila mag-aayuno.”+
-