-
Deuteronomio 25:5, 6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
5 “Kung magkakasamang naninirahan ang magkakapatid na lalaki at ang isa sa kanila ay mamatay na walang anak, ang asawa ng namatay ay hindi dapat mag-asawa ng hindi kapamilya ng asawa niya. Dapat siyang kunin ng bayaw niya bilang asawa at tuparin ang pananagutan nito bilang bayaw.*+ 6 Ang panganay na isisilang niya ang magdadala sa pangalan ng namatay,+ para ang pangalan nito ay hindi mabura sa Israel.+
-