-
Mateo 13:3-9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
3 Nagturo siya sa kanila ng maraming bagay sa pamamagitan ng mga ilustrasyon.+ Sinabi niya: “Isang magsasaka ang lumabas para maghasik.+ 4 Sa paghahasik niya, ang ilang binhi ay napunta sa tabi ng daan, at dumating ang mga ibon at inubos ang mga ito.+ 5 Ang iba ay napunta sa batuhan kung saan kakaunti ang lupa, at tumubo agad ang mga ito dahil hindi malalim ang lupa.+ 6 Pero nang sumikat ang araw ay nainitan ang mga ito, at dahil walang ugat, nalanta ang mga ito. 7 Ang iba naman ay napunta sa may matitinik na halaman, at lumago ang matitinik na halaman at sinakal ang mga binhing tumubo.+ 8 Ang iba pa ay napunta sa matabang lupa at namunga ang mga ito. May namunga nang 100 ulit, 60 ulit, at 30 ulit na mas marami kaysa sa itinanim.+ 9 Ang may tainga ay makinig.”+
-
-
Lucas 8:5-8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
5 “Isang magsasaka ang lumabas para maghasik ng binhi. Sa paghahasik niya, ang ilang binhi ay napunta sa tabi ng daan. Natapak-tapakan ang mga ito at inubos ng mga ibon sa langit.+ 6 Ang ilan naman ay nahulog sa bato, kaya nang sumibol, natuyo ang mga ito dahil sa kakulangan ng tubig.+ 7 Ang iba ay napunta sa may matitinik na halaman, at ang mga ito ay sinakal ng matitinik na halaman na tumubong kasama nito.+ 8 Pero ang iba ay napunta sa matabang lupa, kaya nang sumibol, namunga ang mga ito nang 100 ulit.”+ Pagkatapos, sinabi niya nang malakas: “Ang may tainga ay makinig.”+
-