-
Mateo 12:38-42Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
38 Sinabi naman ng ilan sa mga eskriba at mga Pariseo: “Guro, gusto naming makakita ng isang tanda mula sa iyo.”+ 39 Sumagot si Jesus: “Ang napakasama at taksil* na henerasyong ito ay palaging naghahanap ng tanda, pero walang tandang ibibigay sa kanila maliban sa tanda ng propetang si Jonas.+ 40 Kung paanong si Jonas ay nasa tiyan ng napakalaking isda nang tatlong araw at tatlong gabi,+ ang Anak ng tao ay mananatili sa libingan nang tatlong araw at tatlong gabi.+ 41 Ang mga taga-Nineve ay bubuhaying muli sa paghuhukom kasama ng henerasyong ito at hahatulan nila ito, dahil nagsisi sila nang mangaral si Jonas.+ Pero higit pa kay Jonas ang narito.+ 42 Ang reyna ng timog ay bubuhaying muli sa paghuhukom kasama ng henerasyong ito at hahatulan niya ito, dahil naglakbay siya nang napakalayo para pakinggan ang karunungan ni Solomon.+ Pero higit pa kay Solomon ang narito.+
-