-
Levitico 23:5-8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
5 Sa ika-14 na araw ng unang buwan,+ sa takipsilim,* ipagdiriwang ang Paskuwa+ para kay Jehova.
6 “‘Ang ika-15 araw ng buwang ito ay Kapistahan ng Tinapay na Walang Pampaalsa para kay Jehova.+ Pitong araw kayong kakain ng tinapay na walang pampaalsa.+ 7 Sa unang araw, magdaraos kayo ng isang banal na kombensiyon.+ Wala kayong gagawing anumang mabigat na trabaho. 8 Sa halip, sa loob ng pitong araw ay mag-aalay kayo ng handog kay Jehova na pinaraan sa apoy. Sa ikapitong araw, magkakaroon ng isang banal na kombensiyon. Wala kayong gagawing anumang mabigat na trabaho.’”
-