15At nang magbukang-liwayway, nag-usap-usap agad ang mga punong saserdote kasama ang matatandang lalaki at ang mga eskriba—ang buong Sanedrin. Iginapos nila si Jesus at dinala siya kay Pilato.+
28 Pagkatapos, dinala nila si Jesus mula kay Caifas papunta sa bahay ng gobernador.+ Umaga na noon. Pero hindi sila pumasok sa bahay ng gobernador para hindi sila madungisan+ at sa gayon ay makakain sila ng hapunan para sa Paskuwa.