5 Pinili niya tayo+ para ampunin bilang mga anak niya+ sa pamamagitan ni Jesu-Kristo. Iyan ay ayon sa kagustuhan niya at kalooban,+ 6 nang sa gayon, mapapurihan siya dahil sa kaniyang maluwalhating walang-kapantay na kabaitan+ na ipinagkaloob niya sa atin sa pamamagitan ng kaniyang minamahal.+