25 Mga asawang lalaki, patuloy na mahalin ang inyong asawang babae+ kung paanong inibig ng Kristo ang kongregasyon at ibinigay ang sarili niya para dito,+26 para mapabanal niya ito at malinis sa pamamagitan ng tubig, ang salita ng Diyos,+
23 Lubusan nawa kayong pabanalin ng Diyos ng kapayapaan. At mga kapatid, maingatan nawa ang inyong buong katawan, saloobin,* at buhay* at manatiling walang kapintasan sa panahon ng presensiya* ng ating Panginoong Jesu-Kristo.+
13 Pero lagi kaming nauudyukan na magpasalamat sa Diyos para sa inyo, mga kapatid na minamahal ni Jehova,* dahil sa simula pa lang ay pinili na kayo ng Diyos+ para maligtas. Naging posible ito dahil pinabanal niya kayo+ sa pamamagitan ng kaniyang espiritu at dahil nanampalataya kayo sa katotohanan.
22 Ngayong dinalisay na ninyo ang sarili ninyo sa pamamagitan ng pagsunod sa katotohanan na ang resulta ay di-mapagkunwaring pagmamahal sa kapatid,+ masidhi ninyong ibigin ang isa’t isa mula sa puso.+