-
Levitico 16:29, 30Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
29 “Ito ay magiging isang batas hanggang sa panahong walang takda para sa inyo: Sa ika-10 araw ng ikapitong buwan, dapat ninyong pasakitan ang inyong sarili,* at huwag gagawa ng anumang trabaho ang sinuman,+ katutubo man o dayuhan na naninirahang kasama ninyo. 30 Sa araw na ito, gagawin ang pagbabayad-sala+ para sa inyo, para maipahayag kayong malinis. Magiging malinis kayo mula sa lahat ng kasalanan ninyo sa harap ni Jehova.+
-