23 Sa araw na iyon, wala na kayong itatanong sa akin. Tinitiyak ko sa inyo, kung hihingi kayo sa Ama ng anuman,+ ibibigay niya iyon sa inyo sa pangalan ko.+
6 Kaya magpakababa kayo sa ilalim ng makapangyarihang kamay ng Diyos, para maitaas niya kayo sa takdang panahon,+7 habang inihahagis ninyo sa kaniya ang lahat ng inyong álalahanín,*+ dahil nagmamalasakit siya sa inyo.+