Sa direktor; aawitin sa saliw ng mga instrumentong de-kuwerdas na nakatono sa Seminit. Awit ni David.
6 O Jehova, huwag mo akong sawayin nang galit ka,
At huwag mo akong ituwid nang nagngangalit ka.+
2 Maawa ka sa akin, O Jehova, dahil nanghihina ako.
Pagalingin mo ako, O Jehova,+ dahil nangangatog ang mga buto ko.
3 Naghihirap ang kalooban ko,+
At gusto kong malaman, O Jehova—hanggang kailan?+
4 Bumalik ka, O Jehova, at sagipin mo ako;+
Iligtas mo ako dahil sa iyong tapat na pag-ibig.+
5 Dahil sa kamatayan, hindi ka na babanggitin,
Sa Libingan, sino ang pupuri sa iyo?+
6 Nanghihina na ako sa kalungkutan;+
Sa buong magdamag, basang-basa ng luha ang higaan ko;
Bumabaha ng luha sa kama ko.+
7 Pagod na ang mga mata ko sa pagdadalamhati,+
Nanlabo ito dahil sa lahat ng kaaway ko.
8 Lumayo kayo sa akin, lahat kayong gumagawa ng masama,
Dahil maririnig ni Jehova ang pag-iyak ko.+
9 Pakikinggan ni Jehova ang paghingi ko ng tulong;+
Tatanggapin ni Jehova ang panalangin ko.
10 Mapapahiya at panghihinaan ng loob ang lahat ng kaaway ko;
Bigla silang uurong dahil sa kahihiyan.+