18 Noong naghihingalo na siya (dahil malapit na siyang mamatay), pinangalanan niya itong Ben-oni;* pero tinawag itong Benjamin*+ ng ama nito. 19 At namatay si Raquel at inilibing sa daan papuntang Eprat, na siyang Betlehem.+
38 Pero sinabi niya: “Hindi sasama sa inyo ang anak ko, dahil ang kapatid niya ay patay na at siya na lang ang naiwan.+ Kung maaksidente siya at mamatay habang naglalakbay kayo, tiyak na ibababa ninyo ako sa Libingan*+ dahil sa pamimighati.”+
20 Kaya sinabi namin sa panginoon ko, ‘Mayroon kaming ama na matanda na at mayroon siyang isang anak sa kaniyang katandaan, ang bunso.+ Pero patay na ang kapatid nito,+ kaya siya na lang ang naiwang anak ng kaniyang ina,+ at mahal siya ng ama niya.’