9 Kaya sinabi sa kaniya ng anghel ni Jehova: “Bumalik ka sa amo mo at magpakumbaba* ka sa kaniya.” 10 Pagkatapos, sinabi ng anghel ni Jehova: “Talagang pararamihin ko ang mga supling* mo hanggang sa hindi na sila kayang bilangin.”+
20 Pero kung tungkol kay Ismael, narinig kita. Pagpapalain ko siya at gagawin ko siyang palaanakin at bibigyan ko siya ng napakaraming supling. Pagmumulan siya ng 12 pinuno, at gagawin ko siyang isang dakilang bansa.+
16 Ito ang mga anak ni Ismael, at ito ang mga pangalan nila ayon sa kanilang mga pamayanan at ayon sa kanilang mga kampo,* 12 pinuno ayon sa kanilang mga angkan.+