19 Pagpapawisan ka at maghihirap bago makakuha ng pagkain hanggang sa bumalik ka sa lupa, dahil diyan ka kinuha.+ Ikaw ay alabok, kaya sa alabok ka babalik.”+
5 Dahil alam ng mga buháy na mamamatay sila,+ pero walang alam ang mga patay;+ wala na rin silang tatanggaping gantimpala,* dahil lubusan na silang nalimutan.+
10 Anuman ang puwede mong gawin, gawin mo nang buong makakaya, dahil wala nang gawain, pagpaplano, kaalaman, o karunungan sa Libingan,*+ kung saan ka pupunta.
12 Kaya sa pamamagitan ng isang tao, ang kasalanan ay pumasok sa sangkatauhan at dahil sa kasalanan ay pumasok ang kamatayan,+ kaya naman ang kamatayan ay lumaganap sa lahat ng tao, dahil silang lahat ay nagkasala.+