20 Pagkatapos, sinabi ni Lea: “Pinagkalooban ako ng Diyos, oo, ako, ng isang mabuting kaloob. Sa wakas, pagtitiisan ako ng asawa ko+ dahil nagsilang ako sa kaniya ng anim na lalaki.”+ Kaya pinangalanan niya itong Zebulon.*+
5 pero kay Hana ay nagbigay siya ng espesyal na bahagi, dahil si Hana ang mahal niya. Pero hindi binigyan ni Jehova si Hana ng mga anak.*6 Bukod diyan, lagi siyang iniinsulto ng karibal niyang si Penina para pasamain ang loob niya dahil hindi siya binigyan ni Jehova ng mga anak.
24 Pagkalipas ng ilang araw, nagdalang-tao ang asawa niyang si Elisabet, at hindi ito umalis ng bahay sa loob ng limang buwan, at sinabi nito: 25 “Ginawa ito ni Jehova alang-alang sa akin. Binigyang-pansin niya ako para alisin ang kahihiyan ko sa paningin ng mga tao.”+