-
Exodo 25:17-20Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
17 “Gagawa ka ng pantakip na purong ginto—dalawa at kalahating siko ang haba at isa at kalahating siko ang lapad.+ 18 Gagawa ka ng dalawang kerubin na yari sa pinukpok na ginto at ilalagay mo ang mga iyon sa magkabilang dulo ng pantakip.+ 19 Gawin mo ang mga kerubin at maglagay ka ng isa sa bawat dulo ng pantakip. 20 Nakaunat paitaas ang dalawang pakpak ng mga kerubin, at natatakpan ng mga pakpak nila ang pantakip;+ nakaharap sila sa isa’t isa. Ang mga kerubin ay nakayuko sa pantakip.
-