18 “Mag-atas kayo ng mga hukom+ at opisyal para sa bawat tribo sa lahat ng lunsod* na ibinibigay sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova, at dapat na maging matuwid sila sa paghatol sa bayan.
25“Kung may bumangong usapin sa pagitan ng dalawang tao, puwede silang humarap sa mga hukom;+ ang mga hukom ay hahatol at idedeklarang inosente ang taong matuwid at may-sala ang taong masama.+