-
Exodo 18:25, 26Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
25 Pumili si Moises ng mga lalaking may kakayahan mula sa buong Israel, at inatasan niya sila na maging mga pinuno ng bayan, bilang mga pinuno ng libo-libo, ng daan-daan, ng lima-limampu, at ng sampu-sampu. 26 Kaya sila ang humahatol sa bayan kapag may bumabangong usapin. Inilalapit nila kay Moises ang mahihirap na usapin,+ pero sila ang humahatol sa maliliit na usapin.
-
-
Bilang 27:1-5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
27 At lumapit ang mga anak na babae ni Zelopehad,+ na anak ni Heper, na anak ni Gilead, na anak ni Makir, na anak ni Manases, na mula sa mga pamilya ni Manases na anak ni Jose. Ang mga anak niya ay sina Maala, Noa, Hogla, Milca, at Tirza. 2 Humarap sila kay Moises, kay Eleazar na saserdote, sa mga pinuno,+ at sa buong kapulungan sa pasukan ng tolda ng pagpupulong, at sinabi nila: 3 “Namatay ang ama namin sa ilang, pero hindi siya kasama sa grupong nagrebelde kay Jehova, ang mga tagasuporta ni Kora;+ namatay siya dahil sa sarili niyang kasalanan at wala siyang mga anak na lalaki. 4 Bakit mawawala ang pangalan ng ama namin mula sa pamilya niya dahil lang sa wala siyang anak na lalaki? Bigyan ninyo kami ng pag-aari kasama ng mga kapatid ng ama namin.” 5 Kaya dinala ni Moises ang usapin nila sa harap ni Jehova.+
-