-
Levitico 5:15, 16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
15 “Kung ang sinuman ay gumawi nang di-tapat dahil sa di-sinasadyang pagkakasala laban sa mga banal na bagay ni Jehova,+ dapat siyang magdala kay Jehova ng isang malusog na lalaking tupa mula sa kawan bilang handog para sa pagkakasala;+ ang halaga nito sa siklong* pilak ay ayon sa siklo ng banal na lugar.*+ 16 At dahil sa kasalanang nagawa niya laban sa banal na lugar, babayaran din niya ang halagang iyon at magdaragdag pa siya ng sangkalima* ng halaga nito.+ Ibibigay niya iyon sa saserdote, para ang saserdote ay makapagbayad-sala+ para sa kaniya sa pamamagitan ng lalaking tupa na handog para sa pagkakasala, at mapatatawad siya.+
-
-
Bilang 5:6, 7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
6 “Sabihin mo sa mga Israelita, ‘Kung ang isang lalaki o babae ay makagawa ng alinman sa mga kasalanang karaniwan sa tao at maging di-tapat kay Jehova, mananagot ang taong iyon sa ginawa niya.+ 7 Dapat niyang* ipagtapat+ ang kasalanan niya* at ibalik ang buong halaga bilang kabayaran sa kasalanan niya at magdaragdag pa siya ng sangkalima* ng halaga nito;+ ibibigay niya iyon sa taong ginawan niya ng mali.
-