4 Ito ang mga hayop na puwede ninyong kainin:+ toro, tupa, kambing, 5 usa, gasela, maliit na usa, mailap na kambing, antilope, mailap na tupa, at tupang-bundok. 6 Puwede ninyong kainin ang anumang hayop na may biyak ang paa at may puwang sa pagitan ng biyak at ngumunguya ulit ng nakain na nito.