-
Levitico 7:29-31Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
29 “Sabihin mo sa mga Israelita, ‘Ang sinumang naghahandog ng kaniyang haing pansalo-salo para kay Jehova ay kukuha ng isang bahagi mula sa kaniyang haing pansalo-salo bilang handog kay Jehova.+ 30 Siya mismo ang magdadala ng taba+ kasama ang dibdib bilang handog kay Jehova na pinaraan sa apoy, at igagalaw niya iyon nang pabalik-balik bilang handog na iginagalaw*+ sa harap ni Jehova. 31 Susunugin ng saserdote ang taba para pumailanlang mula sa altar ang usok,+ pero ang dibdib ay mapupunta kay Aaron at sa mga anak niya.+
-