44 Dahil ako ang Diyos ninyong si Jehova,+ at dapat kayong manatiling malinis at maging banal,+ dahil ako ay banal.+ Kaya huwag ninyong parumihin ang inyong sarili dahil sa anumang nagkukulumpon na nilalang na gumagala sa lupa.
15 kundi gaya ng Banal na Diyos na tumawag sa inyo, magpakabanal din kayo sa lahat ng paggawi ninyo,+16 dahil nasusulat: “Dapat kayong maging banal, dahil ako ay banal.”+
8 Ang bawat isa sa apat na buháy na nilalang ay may anim na pakpak; punô sila ng mata sa palibot at sa ilalim.+ At patuloy nilang sinasabi araw at gabi: “Banal, banal, banal ang Diyos na Jehova,*+ ang Makapangyarihan-sa-Lahat, ang nakaraan at ang kasalukuyan at ang darating.”+