-
Levitico 25:32-34Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
32 “‘Kung tungkol sa mga bahay ng mga Levita sa loob ng mga lunsod nila,+ hindi kailanman mawawala ang karapatan ng mga Levita na tubusin ang mga ito. 33 Kung hindi bilhing muli ng Levita ang pag-aari niya, ang ibinentang bahay na nasa lunsod na pag-aari nila ay ibabalik din sa Jubileo,+ dahil ang mga bahay na nasa mga lunsod ng mga Levita ay ang pag-aari nila sa gitna ng mga Israelita.+ 34 Isa pa, ang mga pastulan+ na nakapalibot sa mga lunsod nila ay hindi puwedeng ibenta, dahil ito ay pag-aari nila magpakailanman.
-