-
Levitico 21:10-12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
10 “‘Kung tungkol sa mataas na saserdote, na kapatid nila, na ang ulo ay binuhusan ng langis para sa pag-aatas+ at inatasang* magsuot ng mga kasuotan ng saserdote,+ dapat niyang panatilihing maayos ang buhok niya at hindi niya dapat punitin ang mga kasuotan niya.+ 11 Huwag siyang lalapit sa namatay na tao,*+ sino man ito; huwag siyang magpaparungis ng sarili niya kahit ito ay kaniyang ama o ina. 12 Huwag siyang lalabas sa santuwaryo at huwag niyang lalapastanganin ang santuwaryo ng kaniyang Diyos,+ dahil ibinuhos sa ulo niya ang tanda ng pag-aalay sa Diyos, ang langis para sa pag-aatas.+ Ako si Jehova.
-