-
Bilang 4:15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
15 “Kapag aalis ang kampo, dapat matapos ni Aaron at ng mga anak niya ang paglalagay ng pantakip sa banal na lugar+ at sa lahat ng kagamitan nito. At papasok ang mga anak ni Kohat para buhatin ang mga iyon,+ pero hindi nila puwedeng hipuin ang banal na lugar dahil mamamatay sila.+ Ito ang mga pananagutan* ng mga anak ni Kohat may kaugnayan sa tolda ng pagpupulong.
-
-
Bilang 16:39, 40Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
39 Kaya kinuha ni Eleazar na saserdote ang tansong mga lalagyan ng baga* na iniharap ng mga taong nasunog at pinitpit ang mga iyon para ibalot sa altar, 40 gaya ng sinabi sa kaniya ni Jehova sa pamamagitan ni Moises. Isa itong paalaala sa mga Israelita na ang sinumang* hindi supling ni Aaron ay hindi puwedeng lumapit para magpausok ng insenso sa harap ni Jehova+ at na hindi dapat tularan si Kora at ang mga tagasuporta nito.+
-