-
Levitico 5:11, 12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
11 “‘Kung hindi niya kayang magbigay ng dalawang batubato o dalawang inakáy ng kalapati, dapat siyang maghandog para sa kasalanan niya ng ikasampu ng isang epa*+ ng magandang klase ng harina bilang handog para sa kasalanan. Hindi niya ito dapat lagyan ng langis o olibano, dahil iyon ay handog para sa kasalanan. 12 Dadalhin niya iyon sa saserdote, at ang saserdote ay kukuha ng sandakot bilang alaalang handog* at pauusukin iyon sa altar, sa ibabaw ng mga handog kay Jehova na pinaraan sa apoy. Iyon ay handog para sa kasalanan.
-
-
Levitico 6:25, 26Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
25 “Sabihin mo kay Aaron at sa mga anak niya, ‘Ito ang kautusan tungkol sa handog para sa kasalanan:+ Sa lugar kung saan pinapatay ang handog na sinusunog,+ doon din papatayin sa harap ni Jehova ang handog para sa kasalanan. Ito ay kabanal-banalang bagay. 26 Kakainin ito ng saserdote na maghahandog nito para sa kasalanan.+ Kakainin ito sa isang banal na lugar, sa looban ng tolda ng pagpupulong.+
-