-
Levitico 22:4-6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
4 Sinumang lalaki sa mga supling ni Aaron na may ketong+ o may lumalabas na malapot na likido sa ari+ ay hindi puwedeng kumain ng mga banal na bagay hanggang sa maging malinis siya,+ gayundin ang isang lalaking nadikit sa sinumang marumi dahil sa isang namatay na tao,*+ o ang isang lalaking nilabasan ng semilya,+ 5 o ang isang lalaking nadikit sa maruming hayop na nagkukulumpon*+ o sa isang taong marumi sa anumang dahilan at puwedeng makahawa ng karumihan nito.+ 6 Ang taong* madikit sa alinman sa mga ito ay magiging marumi hanggang gabi at hindi makakakain ng alinman sa mga banal na bagay, at dapat siyang maligo.+
-